Thanks to (www.dailymail.co.uk) for this photo a 120-year-old-christmas-tree, the oldest in the world.
Sa t’wing darating ang araw ng pagsilang
Ni HesuKristo sa makipot na sabsaban
Para sa mga Krist’yano sa sanlibutan
Ito’y tanging araw ng pagmamahalan
Nilaan ng Dakilang D’yos sa kanila
Sa lahat ng taong Kaniyang nilikha
Dapat lang na Siya ay pasalamatan
Sa lahat ng oras, araw at panahon
Tuwing Pasko ang mga bata at matanda
Ay magpupugay sa Diyos na Maylikha
Upang sa Kaniya ay magpasalamat
Sa mga regalo na kanilang natanggap:
Kasama dito ang buhay na tahimik
Mga bagong laruan, sapatos at damit
Bigay ng kanilang mga Ninong at Ninang
Mga bagay-bagay na kanilang inasam
Nguni’t papaano ang mga taong mahirap
‘Di mabili ang kailangang pangsangkap
Wala silang makain at may mga sakit
Dahil sa lahat ng bagay sila’y salat?
Ako ay naniniwala na ang Pasko
Ay para sa mayayaman at mahirap
Ang magsaya sa’raw na’to’y walang bayad
Dasal ng pasasalamat ang katapat!
Kung tayo ay hirap dahil sa kawalan
Tuwing darating ang araw ng pagsilang
Huwag ikalungkot dapat ipagsaya
Hingin ang awa ng Diyos na Dakila!
MASAYANG PASKO PARA SA LAHAT
Paul Pruel/Riyadh, KSA
No comments:
Post a Comment