Sa sampung tatakbong presidentiables sa May 2010 election ng bansang Pilipinas, magmula kay presidential candidate Gilbert Teodoro, Eddie Villanueva, Noynoy Aquino, Richard Gordon, Manny Villar, Vetallano Acosta, Nicanor Perlas, Joseph Estrada, Jamby Madrigal at John Carlos De Los Reyes – tanging si Presidentiable candidate Joseph Ejercito Estrada lamang ang may record na pinakamatagal na sa panunungkulan sa Bayan at Mamamayan sa magkakaibang posisyon - bukas ang puso para sa mga mahihirap, inalipusta, pinagkaitan ng hustisya at sa kapwa artista.
(Thanks to Edwin for this eagle pic) Magmula sa pagiging Movie Actor at Producer nakapaglingkod siya bilang Mayor ng San Juan, mula 1969 to 1989. Naging Senador siya ng Pilipinas, mula 1989 to 1993. Naging Vise President siya ng Pilipinas, mula January 20, 1993 to January 20, 1997. Siya ay pang 13th President of the Philippines from June 30, 1998 to January 20, 2001 at 3rd President of the 5th Republic. Thanks to Wikipilipinas for this information.
Siya ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na nakulong sa kasong “Plunder” Pandarambong. Siya ang unang may pinakamataas na tungkulin ng bansa na nakaranas na kausapin ang sandali ng kaniyang pagi-isa sa loob ng piitan. Siya ang unang tinuring na kagalang-galang nilalang ng bansa na sa bawat paglipas ng mga gabi, hikbi, luha at pighati ang kaniyang kaulayaw at kayakap habang binubuno niya ang mga taon ng kaniyang sentensha.
Masakit sa isang Presidente ng Bansang Pilipinas ang matanggalan ng korona sa ulo, pagtawanan, husgahan at iwanan ng mga taong inakala niya ay mga kaibigang tunay! Naramdaman ko ang damdamin niya at that time. Kapwa kasi kami ay nakakulong. Ang pagkakaiba nga lang - siya ay nakapiit sa isang kulungang pinagtibay ng korte, samantala ako ay nakakulong at namamalakaya sa malawak na piitang-buhanginan na walang rehas. Kaya naman naging madali para sa akin na habiin ko ang maikling tulang Nang Mapikon Ang Langit para sa kaniya nang siya ay nakakulong pa.
Kung dati ako’y isang haring nakaupo
Sa trono ng kasikatan at kapangyarihan
Lahat ng aking ibigin ay nangyayari
Ngayon ako’y isang basahan na pinandidirihan…
Akala ko wala nang katapusan
Ang nakamit kong kaligayahan
Mula nang ako’y sumisikat pa lamang
Bilang isang kumikinang na bituin…
Ang kasikatan ko’y hindi maipagkakaila
Maraming tao ang humanga sa akin
Pinangarap nila na ako’y mahagkan at mayakap
Ako’y kanilang inidolo at minahal ng labis…
Nguni’t biglang nagbago ang ihip ng hangin
Iniwan ako ng aking mga kakilala’t kaibigan
Ako’y kanilang ipinagkanulo’t pinaratangan
Kasabay ang galit ng mamamayan at lipunan…
Naniwala silang ako’y nagkasala ng pandarambong
At paga-abuso ng kapangyarihan na taglay ko
Ako’y nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo
Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan…
Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan
Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan
At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan
Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran…
Ang kanilang mga hinaing at paghihirap
Ang kanilang mga luhang nalalaglag
Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak
Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas…
Aaminin ko mahirap ang magkunwari
Ang bawat himaymay ng aking laman
Ay sumisigaw din ng matinding hirap
Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit…
At ang mga karapatan ko bilang mamamayan
Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan
Ang pagiging haligi ko ng tahana’y pawawalang bisa din
Kasama ang karapatan kong maghanap ng ikabubuhay…
Masakit pala kapag napikon ang langit
Nguni’t ‘di ko magawang magalit sa Maylalang
Batid kong Siya ang higit na nakaaalam
Sa buhay ko na minsa'y Kaniyang kinalugdan!
Ngayon si Joseph Ejercito Estrada ay malaya na - ang tinaguriang Agila ng Masa. Sa kaniyang paglaya bitbit niya ang Pagbabago at Bagong Pag-asa. Ang lakas ng kaniyang bagwis ay muling mararamdaman ng bawat isa. Siya ay muling kakatok sa ating mga puso at isipan, upang hilingin sa atin ang ating pagsang-ayon na muli siyang ilukluk sa gintong upuan na minsa’y kaniyang kinalugdan!
Tanong lang po kabayan: BUKAS BA ANG PUSO MO PARA SA KANIYA?
Thank you for your time.
The Miracle Coffee, my favorite coffee.
No comments:
Post a Comment