Hindi ko po alam kung yaong mga nagtatanong ay sadyang nagmamaang-maangan lamang, lalu na yong mga Igan nating tutubi. O ‘di kaya naman ay sadyang nagkukunwari na hindi nila kilala si Mrs. Palmer, oh…naman. Common guys. Alam ko naman na kilalang-kilala ninyo siya, ayaw n’yo lang aminin. (Hehehe, ‘wag seryusuhin ito’y katuwaan lamang).
Seriously speaking sinikap kong hagilapin ang kinaroroonan ni Mrs. Palmer. Banding alas 11 ng gabi kahapon Saudi time. Kasi ang oras ng kan’yang labas minsa’y early in the evening o di kaya naman ay midnight, minsan naman early in the morning o di kaya naman sa tanghaling tapat. Sometimes bago lumubog ang araw.
Para akong imbistigador na hahabolhabol sa kan’ya hanggang siya’y aking makorner at sa awa naman ng Diyos one-on-one ang pagu-usap namin at hindi siya nag-atubiling magtapat at magpakilala sa tunay n’yang katauhan. Ayon sa kan’ya…
“Ako’y sadyang nakakabit sa iyo
Sa kaniya at sa kanila
Ako’y laging kasama ninyo
Sa inyong mga lakad
At sa lahat na inyong ginagawa
Sa loob at labas ng inyong tahanan.
“Ako’y isang tunay na kaibigan
At katuwang sa bawat bagay
Na inyong pinagkakaabalahan
Sa bawat minuto ng iyong buhay.
“Kung kayo’y masaya
Katawan ko’y masigla
Kung kayo’y pagod
Ako’y nanghihina.
“Buhay ko’y nakasalalay
Sa inyong kalusugan
Kumikilos sa gusto
Ng iyong puso’t isipan
At lambing ng iyong katawan.
“Ako’y maykakayahan
Na ‘di kayang gawin ng iba
Sadyang sa akin lamang
Ipinagkaloob at ipinamana
Ng Maylalang.
“Sa bawat dampi
Ng mainit kong labi
Sa nanghihinang katawan
Dahil sa sobrang lungkot
Hapis at kapaguran
Lakas n’ya’t kakisigan
Ay manunumbalik
Puno ng kasiyahan.
“Kaya ngayon hiling ko sa inyo
Ako’y inyong mahali’t alagaan
‘Wag hayaan na ako’y magkakalyo
Masaktan at masugatan
Upang lubos kong maibigay
Sa inyo ang kaligayahan
Na inyong ina-asam-asam.
“Ako si Mrs. Palmer
Isang mapagmahal na kaibigan!”
(In Filipino-Tag-alog “Mrs. Palmer” ay si Mariang Palad)
Thank you for your time. Visit Me Here.
No comments:
Post a Comment