Image via Wikipedia
Kung kalabisan man itong aking ilalarawan Di ko po sinasadyang ito’y aking ipagsigawan Marahil bunga ito ng aking pagod na isipan Na naghahanap ng liwanag at kasagutan…
Sa mahigit dekada kong pamamalagi Sa kandungan ng Kaharian ng Saudi Buhok ko na dati’y itim ngayo’y putim-puti Tulad ng koronang kumikinang kapalit ng aking pagpupunyagi…
Thanks to OFW Nation Connecting Filipinos Worldwide for this photo.Nguni’t kailan ma’y ‘di ko pinagsisihan Ang kabataan ko’t lakas ay dito mapaparam Dahil ang bunga nito’y kaginhawahan Pangako sa mga mahal nang ako’y lumisan…
Subali’t kahit ‘tanggap ko na ang sitwasyon Lungkot at hapis sa mahabang panahon Di parin mawaglit sa isip ko ang magtanong: Ang paga-Abroad po ba ang tanging-solusyon?
Sinubok kong hanapin kung ano ang ugat Diwa ko’y lumipad sing-bilis ng kidlat Narating ko’y ang baul na nakabukas Naglalaman ng mga larawan ng aking pangarap;
Paraisong pagkakanlungan ng aking sambahayan Bahay na gawa sa bato na kumikinang sa kagandahan Sa loob nito’y mga mamahaling kasangkapan Na kanilang aarugain at pakakaingatan;
Kahit para sa iba ito’y kalabisan Sa bandang kanan ng tarangkahan Nakaparada ang magarang sasakyan Magagamit sa araw-araw na lakaran Saan man sila pumaroon lakad nila’y mapapadali’t mapapagaan… (Sundan ang Part 2)
Thank you for your time. Visit also my other world: Tutubing Mahilig Lumipad.
No comments:
Post a Comment