(Special mention to Wikipedia for these photos)
Ako’y lumuhod at umusal ng ilang kataga
Ilang saglit pa ako’y tumayo na masaya
Dahil sa isipan ko ay nagampanan ko na
Ang pagiging Kristiyano at pagsamba kay Bathala
Di ko naisip na ipagdasal ang mga namayapang
Kaluluwang naghihintay na aking alalahanin
“Kapos ang oras ko. Marami akong trabaho!”
Iyon lagi ang katuwiran ng isip at puso ko
Walang panahon para sa mga kaluluwa
Na nangangailangan na aking ipanalangin
Hindi ko naisip na darating ang panahon
Na makakaharap ko ang Banal na Poon
Sa gitna ng aking mapagbirong imahinasyon
Nakita ko hawak Niya ang Aklat ng Buhay
Binuklat ito at nagpahayag:
“Wala pa ang pangalan mo sa listahan
'Sensha na busy si Bro, walang panahon at pagkakataon!”
‘Buti nalang busy si Bro. Kung nagkataon pala ako’y matutuluyan!
No comments:
Post a Comment