Vote #35, #34 & #33 VOTE HERE!!!
Mula sa 21 bansa, ang PEBA (Pinoy Expats Blog Awards) ay pumili ng 37 nominees na mga Pinoy Expats/OFWs, para sa 2nd International Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Sila ay may kaniya-kaniyang taglay na husay at galing at iyon ay makikita sa kanilang pinagpuyatan at pinagpagurang mga entries.
FLAMINDEVIL, #35, Kuala Lumpur, Malaysia
Ang dahilan kung bakit silang tatlo ang ilalapit ko para sa inyong mga boto (#35–FLAMINDEVIL), (#34-TOPEXPRESS) at (#33-BONISTATION) ay hindi lamang dahil sila ay aking mga kaibigan sa blogosphere, kungdi dahil sa taglay nilang husay at galing sa larangan ng pagsusulat na kapupulutan ng aral, inspirasyon, pag-asa at panibagong pananaw sa buhay ng bawat Expat at OFW around the world.
Vote #35, #34 & #33 VOTE HERE!!!
TOPEXPRESS, #34, Nova Scotia, Canada
Ang kanilang mga akda na matutunghayan natin sa kani-kanilang blogsites ay talaga namang punum-puno ng kulay, pag-asa, buhay at inspirasyon. Kahit magkakaiba ang kanilang kinalakihan at mga natapos na propisyon, taglay nila ang ‘di matatawarang tapang at lakas ng loob na harapin ang buhay sa ibayong-dagat at bigyang katuparan ang kanilang mga pangarap.
Vote #35, #34 & #33 VOTE HERE!!!
BONISTATION, #33, Dammam, Saudi Arabia
Kaya naman po hindi ako nag-atubiling iparating ko ito sa inyo at hingin ang inyong mga boto para sa tatlong ito. Ang PEBA awarding ay gaganapin sa ganap na ika-6:00PM 26th December 2009 at the UP Diliman, ang Bahay ng Alumni Convention Hall. At bago manlang dumating ang araw na iyon, sila ay nai-boto na natin!
MARAMING SALAMAT PO
Paul Pruel -u=kingofherbs, OFW
Words are not enough how thankful i am sa pagsuporta sa aming tatlo.
ReplyDeleteMuli maraming salamat po sir pruelpo :)