Mahilig ba kayo sa Balimbing (carambola o star fruit)? Ito ba ay masarap kainin? Ang Balimbing daw ay tumutulong na pababain ang sugar levels in diabetics at ginagamit din ito as a diuretic in Chinese medicine.
Ang prutas na ito ay kalat sa Pilipinas, lalo na po kapag panahon na ng eleksiyon, seguro dahil panahon na ng Balimbing na mamunga siya.
Dahil nga po kalat na ang Balimbing, malapit na kasi ang eleksiyon - isang paalaala lang po ito mga mahal kong kababayan.
Thanks to Market Manila sa magandang photong ginamit ko dito.
Balimbing
Tila yata hitik na hitik sa bunga
Ang halaman kong nananariwa sa ganda
Pagmasdan n'yo labi ay pulang pula…
Pero hinayhinay sa balimbing kabayan
Huwag sanayin yaring kagustuhan
Para hindi ka mapulaan…
Ito ay hindi magandang kaugalian
Dati busilak kuno sa katapatan
Ngayon kabaligtaran ng katotohanan…
Gulong-gulo na ako kabayan
Sino ang dapat pakinggan
Ang balimbing O ang iniwan?
Dati magkahawak kamay
Banaag ang saya sa kanilang kilay
Pero saglit lang nagkahiwahiwalay…
Hay Naku! Politika
Ma aksyon na, ma drama pa
Sa Pinas lang talaga!
Thanks for your time.
Paul Pruel
No comments:
Post a Comment