Anong sakit at anong saklap, ang sinapit ng isang tutubing nangarap, sa katauhan ni Rodelio “Dondon” Celestino Lanuza, Tutubing Lumipad sa Kulungan Napadpad lumipad siya patungong Arabia sa taong 1997, nag-iwan ng pangako na sa pagbalik niya ang pamilya’y giginhawa?
Nguni’t sa kasamaang palad si Tutubing Dondon ay naipit at nagipit, sa dinapuan n’yang sanga siya’y nalaglag at bumulusok pababa. Ang kan’yang mga pakpak ay nawarak at ‘di na makalipad at tuloy sa piitan siya’y bumagsak!
Si Dondon ay isa sa milyong tutubi (OFWs) na lumayo upang sa ibayong dagat ay hanapin ang suwerti, ang kapalit ay mga sakripisyo sa buhay, relasyon, kinabukasan at marami pang iba. Nasaan siya ngayon? DonDon on Deathrow Siya ay nakakulong naghihintay ng tulong na maligtas siya sa KUKO ni KAMATAYAN!
Thank you for your time.
Paul Pruel
Visit My World Is Your World Too
No comments:
Post a Comment