One of my most memorable moments during my vacation last May 4 to June 16, 2010. Branding and bonding with my family, friends and relatives were my priority. Sa maikling panahon na nakasama ko ang aking mga mahal sa buhay – puso ko ay lumundag sa tuwa at sa kanilang mga mata ay namutawi ang walang kasing saya at sigla.
Iba talaga kapag kumpleto ang isang pamilya…Isa sa mga inasam ko sa panahong iyon at nasabi ko sa harap ng aking mga anak “Kailan kaya darating ang panahon na ako’y hihinto na sa pagiging OFW?”
Sagot ng aking bunso, “Papa two to three years from now matatapos ko na po ang aking Accountancy.”
Ngayong pasukan ang bunso kong si Joy ay 2nd year na sa kursong Accountancy. Siya ay kasalukuyang naga-aral sa PUP, Cavite branch. Isa siyang scholar.
Ang isa kong anak na si Car ay kaga-graduate lang noong nakaraang May 15 sa kursong Computer Science. Nagtapos siya sa Montessori School Of Professional. Ang kanilang graduation ay ginanap sa PICC (Philippine International Convention Center, Manila).
No comments:
Post a Comment