Walang kamatayang tugtugin ang (Bahay Kubo) na puwede pagmulan ng mga magagandang idiya.Lalu na ho sa panahon ngayon na halos lahat ng bilihin sa atin ay presyong ginto. Matitigas kong mga daliri sinubok tugtugin ang yamaha organ dahil sa kant’yaw ng aking tatlong Maria habang ako'y nakikipag-bonding sa kanila noong bakasyon from May 4 to June 16, 2010.
Nabigla ako, ang isang kamatis o isang sibuyas na mas malaki ng konti sa itlog-pugo ang halaga ay 2 peso ang isa! Dati 25 cents lang.
Sa awiting bahay kubo may mga nabanggit na sari-saring gulay na puwede buhayin sa mga plastic, lata o sa mga paso lalu na sa mga lugar na walang lupang pagtataniman. Ilagay lang sa mga pasimano ng inyong terasa o sa mga sulok-sulok na masisikatan ng araw - arugain sila di maglalaon lalaki, mamumunga at pakikinabangan. Practical na paraan nguni't makakatulong para makatipid.
Ang kangkong ay hindi lamang sa tubigan nabubuhay. Meron isang klase ng kangkong – ang upland, na tutubo di lamang sa tubigan. Puwede sila palakihin sa mga plastic, lata o sa mga paso na gawa sa plastic o clay with soil. Maraming mabibiling buto nito sa palengke o sa mga agri-stores. Malinamnam ang lasa nito at segurado pa na malinis ang pinagmulan dahil sariling tanim.
Ayon sa Agri-Pinoy, “Ang taglay ng kangkong are minerals and vitamins like calcium, phosphorus, sodium, potassium, vitamin A, thiamine, riboflavin, niacin, and ascorbic acid. Because of its high iron content, the vegetable is recommended to patients suffering from anemia.” Parang superfood pala ito!
Maliban sa kangkong marami pang gulay/prutas na puwede buhayin sa mga paso katulad ng mais, talong, kamatis (prutas o gulay ba ang kamatis?) sibuyas, loya at marami pang iba. Ang sibuyas hindi lamang ang laman nito ang may pakinabang. Ang dahon nito ay marami ring pakinabang. Halimbawa – gagawa tayo ng emergency soups, ang dahon ng sibuyas ay panapat na.
Thank you for your time. Visit also my other blog Just Obey Boss.
No comments:
Post a Comment